MANILA – Dahil sa masamang lagay ng panahon, kinansela ang ilang domestic flights ng PAL Express, Sabado ng umaga. Base sa advisory ng Manila International Airport Authority (MIAA) Public Affairs Division, ang mga kanseladong flights ay ang 2P 2084 at 2085, biyaheng Manila-Basco-Manila.