ALIW na aliw ang netizens sa trending throwback video ngayon ng dating matinee idol at “First Yaya” lead star na si Gabby Concepcion. Sa kanyang Instagram page, ipinost ni Gabby ang video ng kanyang mala-TikTok dance moves na ibinigay sa kanya ng leading lady niyang si Sanya Lopez.